Kawatan sa simbahan dedo sa sikyu
QUEZON, Philippines — Napatay ang lalaking nagnakaw ng malaking halaga sa donation box ng simbahan matapos itong mabaril ng sikyu sa pakikipag-agawan ng baril kahapon ng madaling araw sa Barangay San Roque, Tayabas City, Quezon.
Kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng magnanakaw na walang nakuhang identification card sa katawan maliban na ito ay naka- itim na t-shirt, puting maong na-short at tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos.
Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rex Gaoiran, chief of police, dakong alauna y medya ng madaling araw ay natuklasan na nakapasok ang suspek sa Minor Basilica Saint Michael Church makaraang umakyat sa likurang pintuan.
Tinungo ng kawatan ang ikalawang palapag ng simbahan saka kinuha ang P12-K sa donation box.
Tiyempo namang nagro-roving ang sikyu na si alyas Magno kaya naabutan ang papatakas na suspek subalit nagawang makipambuno doon sila saka tinangkang agawin ang cal. 38 revolver ng sikyu.
Aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa ulo ang magnanakaw.
- Latest