PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 patay sa IED

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi sa isa na namang pagsabog sa Maguindanao.

Kinumpirma ni Senior Superintendent Raul Supiter, director ng Sultan Kudarat provincial police, ang mga biktimang sina Dominador Datahan at Alladin Laguiab.

Naglalakad lamang ang mga biktima nang sumabog ang improvised explosive device sa tricycle na nakaparada sa Barangay Buenaflor.

Bukod sa mga nasawi, 16 ang sugatan sa pagsabog.

Pinaniniwalaan ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasa likod ng pagsabog.

Patay din ang isang pulis sa pagsabog sa lalawigan pa rin ng Maguindanao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Itinuturo rin ang BIFF na may pakana ng atake.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: