PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pulis utas, 7 sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis, habang pito pa ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na pagsabog sa Maguindanao.

Nakilala ang biktimang si SPO4 Max Kaibat na nasawi sa unang pagsabog na pakana umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Namatay si Kaibat habang papunta sila ng kaniyang mga kasamahan sa boundary ng Datu Hoffer at Shariff Aguak upang kumpirmahin ang ulat na may BIFF sa lugar.

Sumabog ang improvised explosive device sa sasakyan nina Kaibat kahapon.

Sugatan naman sina PO3 Jalison Abdullah, PO1 Archie Ansari Amelista, PO1 Ricardo Almonia, PO1 Alimodin Nuphay at PO1 Zainodin Abdullah na pawang mga miyembro ng Shariff Aguak municipal police office.

Samantala, sugatan naman ang dalawang sundalo sa isa na namang pagsabog sa kaparehong lugar kaninang umaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaagad isinugod sa ospital sina Nelmar Acaso at John Mark Roquero na kapwa miyembro ng 57th Infantry Battalion.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: