PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pumatay sa mag-ina sa Cavite sumuko na

MANILA, Philippines — Sumuko ngayong Huwebes ang suspek sa pagpaslang sa mag-ina sa lalawigan ng Cavite.

Nagtungo ang suspek na si Ruel Cabatingan sa Eastern Samar Provincial Police kaninang 7:30 ng umaga.

Si Cabatingan ang tinukoy ng mga pulis na 36-anyos na overseas Filipino worker na nakatira sa Imus, Cavite.

Inamin niya ang pagpatay kina Ruby Gamos at pitong-gulang na anak niyang si Shaniah Nicole Gamos.

Natagpuang patay ang mag-ina sa kanilang tahanan sa General Trias, Cavite nitong Disyembre 11.

Bukod sa pagpatay, nawala rin ang sasakyan, telebisyon, gadgets at alahas ng mga biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: