^

Probinsiya

12-anyos pinilahan ng mga adik sa sementeryo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tulala at hindi pa makausap ang 12- anyos na dalagita matapos itong pilahan at gulpihin ng mga hindi kila­lang adik sa tabi ng bakod ng sementeryo sa Purok 4 Barangay Basud sa bayan ng Malilipot, Albay noong Martes ng madaling araw.

Naka-confine na sa Bicol Regional Training and Teaching Hospita ang biktimang itinago sa pa­ngalang Judy ng nasabing bayan.

Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ng ilang trabahador sa cons­truction site ang duguang biktima na walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan sa tabi ng bakod ng Malilipot Catholic Cemetery.

Kaagad itong isinugod sa ospital kung saan lu­malabas sa imbestigasyon ng pulisya na madaling araw pa nang nagpaalam sa kanyang mga magulang ang biktima para magsimbang gabi subalit hindi na ito nakauwi.

Posibleng hinatak umano ito ng mga durugista patungo sa madilim na bahagi ng sementeryo malapit sa construction site saka pinilahan at ginulpi.

Sa pag-aakalang napatay ang biktima ay iniwan na ito ng mga rapist.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with