7 arestado sa anti-drug operation
BULACAN, Philippines — Pito-katao ang bumagsak sa rehas na bakal makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang anti-drug operation sa pamilihang bayan sa Barangay Bagong Buhay II, San Jose del Monte City, Bulacan noong linggo ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Agnes Sulana, 33; Christian Diaz, 28; Rio Delos Santos, 19; Niño Villareal, 19; Nelson Salamat, 31, mga residente ng Brgy. Dulong Bayan; Barbie Ann Balansag, 18; at si Sienna Villareal, 35, mga residente ng Brgy. San Martin I. Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola na nakarating sa Camp Alejo Santos, sina Solana at Diaz ay naaresto sa buy-bust operation habang ang limang suspek ay naaktuhan sa pot session sa isang tindahan sa palengke. Nasamsam ang pitong plastic sachet na shabu, mga drug paraphernalia,P500 marked money at P800 cash mula sa drug trade.
- Latest