Konsehal itinumba ng binatilyo
MANILA, Philippines — Napaslang ang 50-anyos na barangay konsehal na sinasabing nanita makaraang saksakin ng 14-anyos na pasaway na binatilyo sa likuran ng simbahan sa Barangay Poblacion, bayan ng Malinao, Aklan kahapon ng madaling araw. Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Kagawad Gerry David ng Barangay Manhanip sa nabanggit na bayan. Arestado naman ang suspek na itinago sa pangalang Atong, estudyante at kapitbahay ng biktima. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Gilbert Gorero, police regional Office spokesman, naganap ang insidente sa likuran ng St. Joseph Parish Church bandang alas-3:50 ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon, sinita ng biktima ang pasaway na binatilyo na nairita kaya nagawang pagsasaksakin ang konsehal. Nasakote naman ng pulisya ang suspek na itinurnover na sa kustodya ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development.
- Latest