^

Probinsiya

Kawani ng planta utas sa sikyu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Patay agad ang 24-anyos na checker ng crushing plant makaraang barilin ng security guard na kainuman kamakalawa ng gabi sa Sitio Crossing, Barangay Bukal sa bayan ng Sariaya, Quezon. Napuruhan sa leeg ang biktimang si Rodel Dereje ng Barangay Villa Hermosa sa bayan ng Lopez, Quezon. Base sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa sikyu ng Laborte Crushing Plant na si Rey Madridano ng San Narciso, Quezon. Gayunman, kapwa nalasing ang dalawa nang pagtalunan ang isyu sa pulitika sa bansa. Sa gitna ng diskusyon ay binunot ng suspek ang baril na nakasukbit sa kanyang beywang saka pinaputukan ang biktima at mabilis na tumakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with