^

Probinsiya

77-anyos lola nadale ng budol-budol

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines — Nadale ng Budol-Budol Gang ang 77-anyos na lola makaraang matangayan ng malaking halaga ng pera  at mga alahas sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija noong Linggo ng umaga.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya makaraang matangayan ng P30, 000 cash at P10,000 halaga ng mga alahas ang biktimang si Felicitas de Leon, biyuda, ng nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, kalalabas lang umano ng biktima sa San Antonio de Abbot Parish Church nang lapitan ng hindi kilalang babae na nagpakilalang ka­klase ng kanyang anak.

Nakiusap ang suspek sa matanda kung pwedeng palitan ang kanyang US dollar sa Philippine peso.

Dahil sa tamis ng dila ng suspek  ay napapayag ang biktima kung saan sumakay pa ito sa SUV ng mga suspek patungo sa kanyang bahay.

Nang makuha na ng mga suspek ang target pera at mga alahas ay nahimasmasan ang biktima kung saan wala na ang nasabing grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with