^

Probinsiya

Nanay inaway ni tatay, nag-suicide

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Pinaghahanap pa rin ang 31-anyos na misis na sinasabing tumalon sa ilog makaraang mag-away sila ng kanyang mister habang tumatawid sa ha­nging bridge ng Barangay Malbogon sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi. Hanggang kahapon ay hindi pa rin matagpuan ng search and rescue team ang biktimang si Sheryl Mirasol ng nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-10 ng gabi, pauwi na ang biktima at kanyang mister na si Gil Mirasol nang magkaroon nang mainit na pagtatalo ang mag-asawa. Gayunman, habang naglalakad ang mag-asawa patawid sa hanging bridge ay bigla na lamang tumalon si Sheryl sa ilog na sinasabing malakas ang agos ng tubig dahil sa pagbuhos ng ulan. Kinaumagahan na nag-report sa mga pulis ang asawang si Gil kaugnay sa nasabing insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with