^

Probinsiya

2 suspek sa student slay, kinasuhan na

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pormal na kinasuhan ng pulisya ang dalawang suspek sa brutal na pagpatay sa isang 19 anyos na computer science student noong Hulyo matapos silang matukoy ng ilang saksi sa Ilagan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City police station, ang mga suspek na kinasuhan ng murder sa Department of Justice ay sina Rosendo Sison at Bryan Cabanet, kapwa nakatira sa nasabing lungsod. Base sa police report, ang mga suspek ay itinuturong pumatay kay Dhana Marikit Dinero na niratrat saka itinapon sa gilid ng kalsada sa Barangay San Ignacio. Isa sa anggulong sinisilip ng pulisya ay love triangle ang pangunahing motibo ng dalawa sa pamamaslang sa dalaga na sinasabing maraming manliligaw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with