^

Probinsiya

Masiba sa pulutan, kinatay ng kainuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng 52-anyos na obrero na nilamutak ang pulutan at pinagmumura pa ang kanyang kainuman matapos itong pagsasaksakin sa laklakan sa Barangay Afusing Daga, bayan ng Alcala, Cagayan noong Sabado.

Base sa ulat ni PO3 Luis Bermijiso Jr., niyaya lamang ng grupo ng suspek na si Danilo Tejano ang biktimang si Nicanor Reyes na aali-aligid sa ka­nilang laklakan. Ayon kay Bermijiso, kinalaunan ay nagalit at pinagmumura ng senglot na biktima ang kanyang mga kainuman na sumuway sa kasibaan niya sa pulutan. ?

Gayunman, nagalit ang suspek kaya sunud-sunod na grinipuhan ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan gamit ang kutsil­yong pinanghihiwa nila ng pulutan.

Sumirit ang dugo ng biktima sa mga nagulantang na katagay na nahimasmasan sa bilis ng pangyayari.?

Isinugod si Reyes sa Alcala District Hospital subalit idineklarang patay habang tumakas patungo sa kabundukan ng Sierra Madre ang suspek na pinanga­ngambahang sumapi na sa NPA terrorists.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with