^

Probinsiya

14-anyos mag-aaral kisay sa kuryente

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Hindi na makadadalo sa class Christmas party ang 14-anyos na dalagita matapos itong makuryente sa nakalawit na talop na kable sa kuryente sa Barangay Putol sa bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa ospital dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa  katawan ng biktimang si Jocelyn Escovidal, estudyante ng Dagatan National High School at residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-6 ng umaga ay naglalakad ang biktimang patungo sa paaralan nang mapahawak ito sa puno na lingid sa kanyang kaalaman ay may nakalawit na talop na kable na dinadaluyan na nasa may 20,000 boltahe ng kuryente. Nang aksidenteng nahawakan ng biktima ang kable ay agad itong nagkikisay at bumulagta. Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng BFP sa tulong ng ilang residente upang isalba ang buhay ng biktima subalit nalagutan din ito ng hininga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with