^

Probinsiya

Amerikanong wanted sa droga, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak-kalaboso ang wanted sa drug trader na Kano matapos masakote ng mga awtoridad habang papatakas patungong Malaysia gamit ang backdoor exit sa Mindanao sa inilatag na operasyon sa Isabela City, Basilan noong Biyernes ng gabi.

Sa report ni P/Chief Supt. Billy Beltran, police regional director, kinilala ang suspek na si Thomas James Papalla ng Phoenix, Arizona, USA at sinasabing wanted sa kasong may kinalaman sa droga na naisampa sa korte laban dito sa Naga City noong Nobyembre 2017.

Bandang alas-6 ng gabi nang masakote ng mga tauhan ng intelligence operatives ng pulisya ang suspek sa bisinidad ng Aguada Village sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na nagpaplano ang suspek na tumakas patu­ngong Malaysia gamit ang southern backdoor exit sa Mindanao.

Inaresto ang suspek base sa warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act No. 9165 kaugnay ng importasyon ng droga.

Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya sa Zamboanga City ang suspek. ?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with