^

Probinsiya

Lola, binatilyo utas sa sagasa

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawa-katao ang namatay sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa dalawang lungsod sa lalawigan ng Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Recia Indefonso, 77, biyuda, ng Phase 3 Block 37 Lot 10 Gentri Heights sa Barangay Manggahan, General Trias City, Cavite; at Jeff Maglunob Torrecampo, 11, ng Barangay Malagasang 1E, Imus City, Cavite.

Base sa police report na nakarating sa Camp Panta­leon Garcia, tumatawid si Indefonso sa Governor’s Drive bandang alas-10: 20 ng gabi nang masagasaan ng Nissan Urvan van (AEA2615) na minamaneho ni Robert Pacilan, 48, ng Block 29 Lot 1 Phase 2B South Ville Subd. sa Barangay Aguado, Trece Martirez City, Cavite

Kaagad naman dinala sa Gentrimed Hospital ang biktima subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nahaharap naman sa kaukulang kasong kriminal ang driver ng van na si Pacilan.

Samantala, patay din ang binatilyong si Torrecampo makaraang masagasaan ng pampasaherong jeepney habang tumatawid sa provincial road sa Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Arestado naman ang driver ng jeepney (DHF 238) na si Ronilo Saraza Manes­ca, 40, ng Barangay Ma­la­gasang 2F sa nasabing lungsod.

Naisugod naman sa UMC Hospaital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with