^

Probinsiya

2 nurse todas sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang nurse na kapapasa pa lamang sa licensure examination nitong nagdaang Nobyembre ang nasawi habang ginagamot sa ospital makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang Sports Utility Vehicle (SUV) sa highway ng Brgy Barrio Luz, Cebu City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Louis Mitchell Nayre Ferolin at Alexa Eddy Carvajal; pawang nursing graduate ng Batch 2017 Cebu Doctors University (CDU).

Nabatid na ang mga ito ay kapapasa lamang sa Nurse Licensure Examination noong Nobyembre kung saan ang resulta ay ipinalabas ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Disyembre 12.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng isang Isuzu MU-X na may plakang ABN 5206, na minamaneho ng driver na nakilala lamang bilang si ‘Ferolin, nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela habang paakyat sa flyover.

Bunga nito ay sumalpok sa bakal na barandilya ng flyover ang behikulo kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matitinding sugat ang mga biktima na siyang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with