^

Probinsiya

Mag-live-in timbog sa droga

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Swak sa selda ang isang mag-live-in partner na ‘tulak’ ng droga makaraang isagawa ng pulisya at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug bust operation sa Brgy.Burol 1st sa bayan ng Balagtas, Huwebes ng hapon. Ang mga suspek na ngayon ay himas-rehas na at sinampahan na ng kaukulang kaso ay kinilalang sina Roberto Lancero, 42 at kinakasama nitong si Janice Alvarado, 37, kapwa residente ng P. Castro St., Brgy. Burol 1st sa naturang bayan. Sa ulat na isinumite ni P/CInsp.Restituto Granil sa Camp Gen. Alejo Santos dakong alas 11:30 ng umaga ay isinagawa ang operasyon laban sa dalawang suspek. Nang inaaabot na ng poseur buyer na pulis ang marked money sa mga suspek kapalit ng ibinebentang droga ay dito na nagpakilala ang mga operatiba saka sila inaresto habang narekober sa kanila ang tatlong pakete ng shabu kabilang ang marked money na ginamit sa naturang operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with