^

Probinsiya

Trike salpok sa bus, 3 utas

Jorge Halliare - Pilipino Star Ngayon
Trike salpok sa bus, 3 utas

Ang dalawa sa tatlong nasawi noon din matapos na sumalpok ang kanilang trike sa kasalubong na bus sa highway sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Sto.Domingo, Legaspi City, Albay nitong Huwebes ng gabi. Kuha ni Jorge Halliare
 

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang tatlong katao habang dalawa naman ang malubhang sugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang tricycle sa kasalubong na bus sa kahabaan ng national highway sa Brgy.San Isidro sa bayan ng Sto.Domingo, Legaspi City, Albay noong Huwebes ng gabi.

Bunsod ng matinding pagkakabangga ng trike sa kasalubong na bus, lasug-lasog ang katawan ng mga nasawing biktima na kinilalang sina Jheo Gestiada, 21-anyos, driver ng tricycle at mga pasaherong si Paolo Vicuna,16-anyos at Johnny Eusebio, 21 taong gulang.

Kasalukuyang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang dalawa pang sugatang pasahero na sina Michael Vicuna,19, at Reymark Logronio,15, lahat sila ay residente ng Brgy. Buragwis, Legazpi City.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Gen.Simeon Ola, dakong alas-10:15 ng gabi, nang pauwi ang mga biktima galing ng Tabaco City lulan ng tricycle na minamaneho ni Gestiada nang maganap ang insidente.

Pagdating umano sa palusong at pakurbang bahagi ng kalsada ay na­walan ng kontrol sa ma­nibela si Gestiada at inoku­pa ang kabilang linya at nakasalubong ang RMB Bus (WDZ-193) na minamaneho ni Ramon Pellosis, 43, residente ng Brgy. San Lorenzo,Tabaco City dahilan para magbanggaan ang dalawang sasakyan.

Sa lakas ng pagkakabanga ay tumilapon lahat ng sakay ng tricycle at humampas sa sementadong highway.

Posibleng lasing umano si Gestiada bago maganap ang naturang salpukan.

Sumuko naman ang driver ng bus sa mga ru­mes­pondeng pulis at sinampahan ng kaukulang mga kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with