^

Probinsiya

8K pasahero stranded kay ‘Urduja’

Pilipino Star Ngayon
8K pasahero stranded kay �Urduja�

Ayon kay Romina Marasigan, spokesperon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kasalukuyan ay naka-red alert na ang NDRRMC dahil sa mga pagbaha sa mga apektadong lugar dulot ng matinding pag-uulan at 24 oras nang nakabantay ang buong puwersa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga residenteng maaapektuhan ng bagyo. PAGASA

MANILA, Philippines — Tinatayang umabot na sa mahigit 8,000 pasahero ang stranded sa iba’t-ibang pantalan sa Bicol Region, Western at Eastern Visayas dulot ng hagupit ng bagyong Urduja.

Ayon kay Romina Marasigan, spokesperon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa kasalukuyan ay naka-red alert na ang NDRRMC dahil sa mga pagbaha sa mga apektadong lugar dulot ng matinding pag-uulan at 24 oras nang nakabantay ang buong puwersa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa mga stranded ay nasa 2,000 pasahero sa Matnog Pier sa Sorsogon sa Bicol Region. Nasa 100 naman ang stranded sa Tabaco City, Albay.

Nasa 4,000 pasahero naman ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas Region. Ang iba ay sa iba namang bahagi ng Western Visayas Region.

May mga pamilyang inilikas na sa Samar dahil sa mga pagbaha at ikinakasa na ang posibleng puwersahang evacuation doon.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 2 sa Samar, Eastern Samar, at Biliran Island.

Kaugnay nito, naglaan na ang disaster response cluster ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P223 mil­yong halaga ng food packs para sa mga biktima ng bagyong Urduja sa Samar.

Sinabi ni DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco sa media briefing sa Malacañang, may nakaantabay nang 368,000 na family food packs na nagkakahalaga ng P223 milyon habang naka-standby din ang food at non-food items na nagkakahalaga ng P393 milyon. 

Maliban dito, mayroon ding nakaantabay na P245 mil­yong pondo sa Central Office at sa mga Field Offices na agad na ipalalabas sakaling kailanganin kaugnay ng bagyong Urduja.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with