^

Probinsiya

Dalagita nagbaril sa ulo, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Pinaniniwalaang may matinding problemang kinakaharap ang 15-anyos na dalagita kaya ito kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos na magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Asgad sa bayan ng San Andres, Catanduanes noong Miyerkules ng hapon. Umaagos pa ang dugo sa ulo nang matagpuan ng kanyang mga kaanak ang biktimang si Mica Ella Sumayang, high school student at residente ng nasabing barangay. Base sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, uma­lingawngaw ang malakas na putok ng baril mula sa silid ng biktima kaya mabilis na inusisa ng mga kapitbahay. Gayunman, bumungad sa kanila ang duguang biktima na nagbaril sa ulo. Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril na ginamit ng biktima para mag-suicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with