^

Probinsiya

Misis pumalag sa holdap, dinedo

Pilipino Star Ngayon

BULACAN  , Philippines  —  Napatay ang 54-anyos na misis na sinasabing pumalag sa holdaper matapos itong ratratin habang bumibili ng panghapunan sa karinderya sa Barangay Mapulang Lupa sa bayan ng Pandi, Bulacan noong Miyerkules ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Cecilia Anatalio habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang 15-anyos na lalaki ng Barangay Cacarong Matanda. Ayon kay SPO1 Vincent Guinacaran, bumibili ng pagkain ang biktima kasama ang kanyang anak na babae nang lapitan at holdapin ng riding-in-tandem gunmen. Gayunman, habang nililimas ng mga holdaper ang ilang personal na gamit ng biktima ay bigla itong sumigaw ng tulong. Napilitang ratratin ng tandem holdaper ang biktima kung saan tinamaan naman ng ligaw na bala ang tinedyer na lalaki na naglalaro ng computer. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal .45 pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with