^

Probinsiya

5 proyekto sa Lucena, itatayo sa 2018

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon  , Philippines  — Sunod-sunod na isinagawa kahapon ang pagpapasinaya ng malalaking proyekto sa Lucena City, Quezon na inaasahang magpapayabong sa ekonomiya ng nasabing lungsod.

Kabilang sa mga proyekto ay ang state of the art 4, 500 seater na convention center, two-storey police station, city health building, renovation ng old City Hall at ang lumang pamilihang bayan.

Isasagawa nang sabay-sabay ang konstruksyon ng mga  gusali sa Enero 2018 at inaasahang sa 2019 ay mapapakinabangan na.

Ayon kay City Mayor Roderick Alcala, lubhang kailangan na ang bagong mga gusali upang mapunan ang patuloy na kaunlaran ng nasabing lungsod dahil sa kalagitnaan ng 2018 ay bubuksan na sa mga motorista ang kauna-unahang underpass sa Southern Luzon na isinasagawa ngayon ng DPWH sa diversion road sa Barangay Gulang-gulang.

“Nagmula sa ibinuwis ng mamamayan ng nasabing lungsod ang pondong gagamitin sa kontruksyon ng mga bagong gusali kaya marapat lang na ibalik sa kanila ang serbisyo at espasyo,” pahayag ni Mayor Alcala

Panauhing pandangal sa ground breaking ceremony na ginanap sa bagong Lucena City Hall Goverment Complex ay si P/Chief Supt. Ma O. Aplasca, regional police director.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with