^

Probinsiya

P.2-M nalimas sa mag-asawang trader

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Umaabot sa P.2 milyong cash ang nilimas ng mga nagpanggap na ahente ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mag-asawang trader matapos tambangan ang kanilang sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Masical, bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa ng gabi. ?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng Baggao policed station, tatlong armadong lalaking nakabonet ang humarang sa Isuzu Forward truck na minamaneho ni Jayson Tobias saka ito pinababa kasama ang misis na si Jonalyn upang maghalughog dahil sa sinasabing may dala silang shabu.?

Ayon pa police report, sa halip na shabu ang matagpuan ay kinuha ng mga kawatan ang P224, 225 cash na pinagbentahan ng palay ng mag asawa.?

Nabatid na hindi na rin pinatawad ng mga suspek ang pahinanteng si Sherwin de Vera, 28, na nilimasan ng cellphone at wallet na may lamang P50.?

Pinaniniwalaan na ang nasabing grupo ang rumatrat sa pampasaherong van sa nasabing lugar nang hindi ito inihinto ng drayber noong Lunes kung saan ?dalawang pasahero ang nasugatan sa insidente. ?

Samantala, kinondena naman ni PDEA region 2 spokesperson Lala Tomas ang paggamit ng mga suspek sa pangalan ng kanilang ahensiya matapos mabatid ang naganap na krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with