^

Probinsiya

2 anak gulpi-sarado sa ama

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagsak-kalaboso ang 39-anyos na amang seaman matapos itong ireklamo ng kaniyang misis kaugnay sa pambubugbog sa dalawa nilang anak na lalaki sa Aurora Hill, Baguio City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Ruel Cayaban Oller ng No. 40 Bayan Park Village sa nasabing lungsod.

Samantala, kapwa nagtamo ng mga sugat at ga­los sa katawan ang mga anak na sina Paul Russel Oller, 18; at Patrick Oller, 19.

Sa ulat ng Cordillera Police na naisumite sa Camp Crame, naitala ang insidente dakong ala-1:20 ng hapon kung saan nag-aaway ang suspek at misis nito na sinasaktan ng una nang umawat ang dalawa nitong anak na lalaki.

Gayunman, pinagba­li­ngan ng suspek ang dalawang anak na kapwa ginulpi nito hanggang sa manlata na ang dalawang biktima nang tigilan nito.

Hindi naman nagdalawang isip ang misis na ipagharap ng reklamo ang asawa dahil sa pananakit sa dalawa nilang anak.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang nasabing mister  na kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with