Mag-ama inatado ng manugang
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kritikal ang 51-anyos na magsasaka at anak nitong day care worker matapos pagtatagain ng manugang na senglot sa Barangay Joaquin Dela Cruz, bayan ng Camalaniugan, Cagayan noong Martes ng gabi. Isinugod sa ospital sina Deleon Alilam at anak nitong si Jovie Alilam, 26, na nagtangkang umawat sa suspek na si Ronnel Corre, 26.? Lumalabas sa imbestigasyon na naburyong si Corre sa pagsesermon sa kanya ng matanda dahil sa pag-uwi na senglot na naging ugat ng pananaga.? Tumakas si Corre matapos ang krimen subalit naaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis.
- Latest