^

Probinsiya

Misis sinundan ang mister sa hukay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sinundan ng 55 -anyos na misis ang sariling mister sa hukay matapos sumalpok ang sinasakyan traysikel sa kasalubong na trak na ikinasugat sa kahabaan ng highway sa Barangay Dadda, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. ?Ayon kay PO2 Romel Contillo Jr., kinilala ang namatay na si Melinda Balubal na sakay ng traysikel na bumulusok sa pababang kalsada saka sumalpok sa paparating na trak na minamaneho ni Alejandro Galam, 30.? Sa lakas ng salpok ay bumaliktad ang traysikel kaya tumilapon si Balubal at mga kaanak nitong sina Sotero, 60; Ceferina Siringan, 56; Nico Medez Baggay, 63; Martin Mallonga, 62; at si Juana Balubal, 76. Kaagad naisugod sa ospital ang mga magkakaanak subalit nalagutan ng hininga si Melinda habang ginagamot.? Nabatid na dumalaw ang mga biktima sa puntod ng mister ni Balubal upang gunitain ang ika-40 araw ng kamatayan nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with