^

Probinsiya

Disco party niratrat: 1 dedo, 2 grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang 27-anyos na lalaki habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng hindi kilalang lalaki ang disco party  sa dance floor sa Barangay Don Andres, bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay kahapon ng madaling araw. Idineklarang patay sa Henry Divilia Hospital ang biktimang si Gerald Jan Cordero ng Isulan, Sultan Kudarat. Patuloy namang ginagamot ang mga sugatang sina Seperino Damacino at Giovanie Judor, 27. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, sinabi, naganap ang insidente sa Planet Disco dakong alas- 2 ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon, masayang nagdidisco  ang mga biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki saka mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with