^

Probinsiya

Mister tumanggi sa droga, binoga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakikipaglaban kay kamatayan ang 45-anyos na mister na tumangging bumili ng shabu matapos itong pagbabarilin ng sugapa sa droga sa Baliwasan Inte­rior, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur, kamakalawa ng madaling araw.

Patuloy na isinasalba ngayon sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si Henry Tee Sahim, mangingisda at residente sa nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na tinukoy lamang sa alyas Mad na kilalang notoryus na drug addict.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa burol ni Adelaida Maharas  kung saan tinawag ang biktima ng suspek na binulungang ibili siya ng droga.

Gayunman, tumanggi ang biktima sa pagsasabing takot siya na ma-tokhang ng mga pulis kaya nairita ang suspek at pinagbabaril ito sa tiyan.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with