^

Probinsiya

Ambush: 2 opisyal ng barangay utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang opisyal ng barangay ang napatay habang sugatan naman ang barangay chairman makaraang tambangan ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Annanuman sa bayan ng San Pablo, Isabela kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Ro­nald Laggui, spokesman ng Isabela Police ang mga napatay na sina Bonifacio Lumabi, 48, barangay tanod at Rey Mabborang, 42, barangay treasurer.

Sugatan naman si Chairman Bricio Gammaru, 36, ng Barangay Dalena sa nasabing bayan.

Bandang alas-8 ng umaga nang maitala ang pa­nanambang sa mga biktima sa kahabaan ng national highway sa nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng asul na  owner-type jeep (UHK 272) na patungong Cabagan, Isabela nang tambangan ng mga armadong kalalakihan pagsapit sa nasabing lugar.

Sinisilip naman ang anggulong politika ang isa sa motibo sa pananambang dahil nalalapit na ang barangay elections sa 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with