2 patay sa karahasan sa Cavite
CAVITE , Philippines — Dalawa-katao ang napatay sa magkahiwalay na karasahan sa Dasmariñas City sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Kinilala ang mga napaslang na sina Paulino Untalan, 36, kawani ng Meralco, at nakatira sa Barangay Burol 1; at Renato “Tonton” Cantimbuhan, 31, ng Purok 4, Brgy Victoria Reyes. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakikipag-usap si Untalan sa suspek na si Ronald Delo Santos nang magkapikunan hanggang sa mauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima sa Barangay Burol 1 sa nasabing lungsod. Samantala, pinagbabaril naman at napatay si Cantimbuhan ng suspek na alyas Kalabaw sa bisinidad ng nasabing barangay sa Dasmariñas City, kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni SP01 Sean Francisco, naglalakad ang biktima nang sabayan ito ng suspek saka niratrat. Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing isinasangkot ang biktima sa serye ng holdapan at nakawan sa nasabing barangay.
- Latest