^

Probinsiya

Kaso ng nakawan sa Isabela, bumaba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Bumaba ng halos 30 porsiyento ang insidente ng pagnanakaw sa Isabela nitong nakaraang ikatlong quarter ng taon kumpara sa parehong panahon noong 2016, ayon sa pagsusuri ng pulisya kamakalawa. Sinabi ni P/Senior Supt. Reynaldo Garcia, Isabela police director, sa kaso na lamang ng robbery ay 115 insidente ang naitala noong 2016 kumpara sa 82 insidente ngayong 2017.?Sa carnaping ay may 102 insidenteng naitala noong 2016 habang 38 na lamang nitong taon.?Nabatid na bumaba ang insidente ng pagnanakaw kasunod ng pagpapa-igting ng pulisya ng kampanya laban sa droga kung saan ay sinasabing malaking bahagdan ng mga pagnanakaw ay bunsod ng epekto ng pagkakalulong sa droga ng mga suspek. Sinabi ni Garcia na nakahanda ang kapulisan na muling sumabak sa pagpapatupad ng operasyon laban sa droga ngayon at muli silang itinalaga ni Pangulong Duterte sa nasabing kampanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with