^

Probinsiya

Mag-ina ng seaman inutas ng akyat-bahay

Pilipino Star Ngayon
Mag-ina ng seaman inutas ng akyat-bahay

Magkasama sa larawan ang pamilya Gamos bago maganap ang malagim na krimen kung saan pinagnakawan at pinatay ng akyat-bahay ang mag-inang Gamos sa General Trias City, Cavite noong Biyernes (Dec. 8).
 

MANILA, Philippines — Masaklap na Kapaskuhan ang sumalubong sa mister ng kanyang mag-inang pinagnakawan saka pinatay ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Navarro sa General Trias City, Cavite noong Biyernes.

Sa police report na nakara­ting kay P/Supt. Chitadel Gaoiran, police regional spokesperson, nadiskubre ang bangkay ng mag-ina sa pagitan ng alas-11 hanggang alas-12 ng tanghali noong Lunes sa loob ng kanilang bahay sa Block 7 Lot 14, KS1, Lancaster New City Subd. sa nabanggit na barangay.

Kinilala ang  mag-ina na sina Ruby Gamos, 34; at  Shania Nicole Gamos, 5.

Natagpuan sa kanilang kama ang mag-ina kung saan may malalim na sugat ang batang babae habang wala nama palantandaan ng anumang sugat sa katawan ang ina na sinasabing sinakal hanggang sa mapatay habang hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya.

Samantala, nawawala naman ang kotse ng pamilya na pulang Toyota Wigo  na may conduction sticker VD9843, mamahaling kagamitan tulad ng mga alahas, telebisyon, cellphone, tablet at iba pa.

Gayunman, natagpuan na kahapon ang Toyota Wigo ng mag-ina sa harapan ng sementaryo sa Imus City, Cavite.

Kaagad namang umuwi ang mister na si Marlon Gamos na seaman sa United Arab Emirates. Nabatid na huling nakausap ni Marlon ang kaniyang mag-ina noong Huwebes (Dec 7) matapos siyang padalhan ng mga ito ng selfie.

Kinabukasan ay muling tumawag sa cellphone si Marlon subalit hindi na sumasagot ang kanyang mag-ina kaya inabisuhan nito ang kanyang kamag-anak na bisitahin ang kanyang mag-ina.

Binista naman ni Karen Bon­galos ang kanyang hipag dahilan hindi lumalabas ang mag-ina sa kanilang bahay at hindi na nakarating ang bata sa aktibidad sa kanilang eskuwelahan noong Biyernes.

Sa tulong ng mga awtoridad ay humingi ng tulong si Bongalos at puwersahang binuksan ang bahay ng mag-ina na nadiskubreng patay na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with