^

Probinsiya

Karnaper tinodas ng hepe ng pulis

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Nautas ang 21-anyos na suspected carnapper matapos itong barilin sa batok ng chief of police dahil sa tangkang umagaw ng baril ng imbestigador sa bayan ng Glen, Sarangani kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Deddy Oktadora ng Barangay Labangal, General Santos City.

Naaresto sina Oktadora at Nelboy Awon, 22, makaraang magbenta ng nakaw na motorsiklo. Dinala sa presinto ang dalawang suspek at unang isinailalim sa interogasyon ni P02 Herbert Alinsugay si Oktadora.

Gayunman, nakalingat si P02 Alinsugay kaya sumiklab ang komosyon kung saan sinasabing inagaw ni Oktadora ang baril ng imbestigador.

Kaagad na rumesponde si P/Chief Insp. Manuel Ryan Lim, hepe ng Glan police station saka binaril sa batok si Oktadora.

Kinompronta naman ng pamilya Oktadora ang kapulisan sa naganap na insidente.

Una nang iniulat sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Pendatun ang pagtangay ng motorsiklo na dinala nina Oktadora sa bayan ng Glan saka doon ibebenta nang masakote ng mga pulis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with