^

Probinsiya

Magkasintahan nirapido ng pulis, tigok

Victor Martin at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

GAMU, Isabela  , Philippines  —  Na­pas­lang ang magkasinta­han makaraang pagbabarilin ng pulis na napaslang din ng kanyang mga kasamahang pulis sa bayan ng Dupax del Sur, Nueva Vizcaya noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Joseph Agravante, 25, ng Barangay Balzain, Dupax del Sur; Edeliza May Manuel, kasintahan ni Agravante, mga nakatira  sa Barangay Mabuslo, bayan ng Bambang.

Kinilala naman ang pulis na napatay na si PO2 Gerwin Goze ng Dupax del Sur police station at nakatira sa bayan ng Solano.

Napag-alamang sina Agravante at Manuel ay nakatakda sana umanong ikasal sa 2018.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, biglang pumasok sa bahay ni Agravante ang suspek na pulis na senglot saka pinagbabaril ang magkasintahan.

Nabaitd na sumugod si P02 Goze sa nasabing bahay sa paghahanap sa kanyang syota na si Florenda na umano’y nakipaghiwalay na sa kanya matapos na mabatid na may asawa na ang pulis bagay na hindi naman matanggap ng suspek.

Kaagad na rumesponde ang mga kasamahang pulis subalit nakipagbarilan umano ang suspek kaya napilitan putukan para hindi na umano madamay ang iba pang tao sa nabanggit na lugar.

Narekober sa crime scene ang M16 Armalite rifle at cal. 9mm pistol na pag-aari ni P02 Goze.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with