^

Probinsiya

Cell phone, pitaka ng mga obrero nilimas ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tero­ristang New People’s Army (NPA) ang construction site kung saan kinulimbat ang mga cell phone at wallet ng mga obrero at guwardiya  sa Barangay Bugay, bayan ng Las Navas, Northern Samar kamakalawa ng umaga.

Sa ulat P/Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya, spokesperon ng regional police na naisumite sa Camp Crame, naitala ang pagsalakay dakong alas-5 ng umaga.

Gayunman, hindi nakapalag ang mga obrero nang  papilahin saka puwersa­hang kinuha ang kanilang mga cell phone at wallet.

Dalawa ring security guard na kinilalang sina Alex Omanito at Ervin Pinca  ang dinisarmahan at tina­ngay  ang kanilang armas.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang pangha-harass ng mga teroristang komunista bago mabilis na nagsitakas tangay ang pera at mga wallet.

Binabalot naman ng sindak ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa naganap na insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with