^

Probinsiya

Stude binoga sa ulo, nabuhay

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Himalang nakaligtas kay kamatayan ang 20-anyos na estud­yante matapos itong barilin sa sentido saka lumabas pa ang bala sa noo sa naganap na pamamaril sa van sa kahabaan ng highway sa Barangay Masical, bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa. ?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Emilio Pajarillo, hepe ng Baggao police station, dakong alas-7:45 ng gabi nang tambangan ng mga armadong kalalakihan ang pampasaherong van (ACL4946) na minamaneho ni Joel Siddayao.

Tinamaan ng bala sa ulo ang biktimang si Alvin Cuevas na 4th year college student habang tinamaan naman sa likuran ang isa pang pasahero na si Cre­sencia Duritan, 42.?

Ayon pa sa ulat, hinarurot na lamang ng drayber ng van ang sasakyan upang takasan ang mga suspek na pinaniniwalaang holdaper.

?Isinugod ng mga sumaklolo ang mga sugatan sa Cagayan Valley Medical Center kung saan idineklarang ligtas ang misis na si Duritan habang ang estud­yanteng si Cueva na pinaniniwalaang may agimat ay nabuhay.?

Narekober sa ambush site ang mga nagkalat na basyo ng bala ng M16 Armalite rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with