Drug peddler tiklo sa P.5-M shabu
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang sinasabing notoryos na drug peddler matapos itong makumpiskahan ng P.5 milyong halaga na shabu sa inilatag na anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok 1, Barangay San Roque sa Legazpi City, Albay noong Sabado ng gabi. Hindi na nakapalag sa mga operatiba ng PDEA ang suspek na si Efren “Mangga” Manansala,residente ng nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay Director Christian Frivaldo, regional director ng PDEA-Bicol, dakong alas-6:30 ng gabi nang ilatag ng PDEA sa pangunguna ni Agent Enrique Lucero ang buy-bust operation laban kay Manansala na matagal nilang minanmanan ang drug trade nito. Nasamsam sa suspek ang ilang plastic sachet na shabu (80 gramo).
- Latest