^

Probinsiya

Admin officer ng alkalde, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng 48-anyos na administrative officer ni Mayor Virgilio Valle matapos pagpapaluin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Sidaoen, Sta Cruz, Ilocos Sur kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Mark Odilon Lagman, hepe ng Sta. Cruz Police Station, basag ang bungo ng biktimang si Carlito Ramos nang matagpuan sa ilalim ng puno ng acacia dakong alas-7 ng umaga. Ayon sa ulat, kamuntikan nang himatayin ang mister na nakadiskubre sa bangkay ni Ramos na noon ay naudlot ang pag-ihi sa nasabing lugar. Nabatid na naghatid ng mga residenteng lulan ng dump truck ng munisipyo ang biktima sa Barangay Daligan para sa programa ng kapis­tahan ng bayan. Gayunman, lingid sa biktimang pauwi na kinagabihan ay nakaabang na ang mga hindi kilalang lalaki saka siya hinarang at pinatay sa palo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with