PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

50 bahay nilamon ng apoy

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P1.7 milyon ari-arian ang halaga ng napinsala na dulot ng sunog na umabot sa fourth alarm. File

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang 50 bahay sa Ba­rangay Tandang Sora, Butuan City sa Agusan Del Norte noong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P1.7 milyon ari-arian ang halaga ng napinsala na dulot ng sunog na umabot sa fourth alarm.

Sa tala ng lokal na pa­ma­halaan, umabot sa 63 pamilya (200 indibiduwal) ang apektado ng sunog.

Pansamantala munang pinatuloy ang mga apektadong residente sa barangay hall. Hindi naman matiyak ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy dahil magkakadikit ang mga bahay dito.

Gayunman, nagsibali­kan naman ang mga residenteng nasunugan para kunin ang mga gamit na maaring pakinabangan noong Linggo ng umaga.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: