PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-asawa sinalpok ng SUV

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natigok ang 42-anyos na meat vendor habang kritikal naman ang kanyang misis matapos makipagsalpukan ang kanilang traysikel sa kasalubong na Toyota Hilux SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan noong Sabado ng umaga. 


Sa report ni PO3 Alexis Gipolio; patungo sa palengke ang mag-asawang sina Joel Gamutan at Genalyn Gamu­tan, 42, sakay ng traysikel nang mang-agaw ito ng linya matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya nasalpok ng SUV dakong alas-6:30 ng umaga.

Sa lakas ng salpok ay nagkahiwalay ang traysikel kaya tumilapon sa ere at nagpagulung-gulong sa kalsada ang mag-asawa.

Kapwa isinugod sa Far North Luzon General Hospital and Training Center sa bayan ng Luna, Apayao ang mag-asawa kung saan idineklarang patay si Joel.

Sumuko naman sa mga pulis ang 60-anyos na drayber na lolo na si Rey Steve Gonzalez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: