PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

5 Budol-Budol Gang, kalaboso

Iniharap sa mga mamamahayag ang limang miyembro ng Budol-Budol Gang habang itinuturo ang mga pekeng pera na nasamsam. Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng limang miyembro ng Budol-Budol Gang makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa public market, Barangay Poblacion 1 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Leonardo Cabiles Soronda, Joedy Alado Ediza, Teddy Fabay Ramal, Grace Arguelles Paluga, at si Mariel Aloos Dugos, mga nakatira sa Tagum City.

Base sa ulat ng Cotabato police provincial office, sakay ng D4D van (ACV 2408) ang mga suspek nang bumili ng lechon sa tindahan ni Danny Varquez na gamit ang P100 counterfeit money.

Gayunman, na-detect ni Varquez na pekeng P100 ang ibinayad sa kanya kaya mabilis na nagreklamo sa himpilan ng pulisya kung saan inalerto naman ang buong kapulisan.

Bandang alas-2 ng hapon nang masakote ng pulisya ang mga suspek sa loob ng palengke.

Nasamsam sa mga suspek ang pekeng 208 piraso ng P1,000, 2 pirasong P500, 30 piraso ng improvised security thread, P1000, mga kagamitan gaya ng gunting, pandikit, cutter scotch tape at notebook.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: