PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bebot niratrat ng ex-partner sa laklakan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matinding selos ang itinuturong dahilan kung bakit pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang trader ang dating kinakasama na sinugod niya sa isang laklakan o inuman sa Brgy. Andres Bonifacio, Diffun, Quirino kamakalawa. 
Kinilala ni Sr. Insp. Dominador Malana Jr., hepe ng Diffun Police ang napatay na si Aileen Dapiaoen, habang ang suspek na tumakas matapos ang pamamaril ay si Reagan Balbontin, tubong Iloilo City. 
Pinaniniwalaang isa sa mga kainuman ng biktima sa bahay ng kaibigan ay ang bagong lover ng biktima kaya’t buong ngitngit siyang sinugod ni Balbontin saka niratrat sa gitna ng laklakan.
 Nauna nang inireport ni Dapiaoen sa pulisya na pinagbabantaan ang kanyang buhay ni Balbontin kapag mayroong ibang lalaking aangkin sa kanyang katawan. 


PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: