PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Most wanted’ bulagta sa parak

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang most wanted person makaraang makipagbarilan sa mga miyembro ng Intelligence Section ng pulisya sa purok Damayan, Barangay Ibabang Iyam, ng lalawigan kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni P/Supt.Reynaldo Maclang, chief of police dito ang napaslang na si Renelo Tatel, may sapat na gulang, may asawa at nahaharap sa kasong murder.  Ayon kay Supt. Maclang, tinungo ng kanyang mga tauhan ang bahay ng suspek dakong alas-5:00 ng hapon upang arestuhin matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang RTC Branch 57.  Subalit sa halip na sumuko ay pinaputukan ng suspek ang mga pulis na sa kabutihang palad ay walang tinamaan. Nang gumanti ang mga intel operatives ay doon na napuruhan ang suspek at narekober sa kanya ang isang kalibre .38 revolver na may kasamang ilang bala.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: