PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 motorbike nagsalpukan: 2 dedo, 3 sugatan

LEGAZPI, Albay, Philippines — Nalasog ang katawan ng isang rider at angkas nito habang tatlong iba pa ang sugatan matapos magbanggaan ang sinasakyang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Sitio Lalinan Bongsaran, Brgy. Rizal sa Gubat, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Isinugod pa sa Gubat Emergency Hospital pero idineklarang patay ang mga biktimang sina Richard Galan, ng Brgy. Buhang, Bulusan at Romeo Estolonio, ng Brgy. Benguet, Gubat.

Sugatan naman sa insidente sina Edgar Estolonio, Victor Figueras at Lerma Alag.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-5:40 ng hapon habang mabilis na binabaybay ng dalawang wala pang plakang motorsiklo ang kahabaan ng highway nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Galan habang angkas si Alag sa palikong bahagi ng kalsada kaya nabangga nito ang kasalubong na isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Edgar at angkas nito si Romeo at Victor.

Sa lakas nang banggaan, tumilapon ng ilang metro sa kalye ang lahat ng sakay ng nagsalpukang motorsiklo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: