PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Militar vs NPA: 9 patay

NORTH COTABATO, Philippines — Dalawang sundalo ang nalagas habang pito ring tagasuporta ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay matapos  na magkasagupa sa Sitio Celtex, Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga sundalong binawian ng buhay na sina Pfc. Jovanie Tagactac at Pfc. Fernando.

Ayon kay 33rd Infantry Battalion commander Lt. Col. Harold Cabunoc, kabilang rin sa nasawi si Datu Victor Danyan na aniya’y nag-suicide attack laban sa tropa ng 27th IB sa pag-aakalang napatay ang mga anak sa engkuwentro. Gayunman, kinalaunan ay napatay din ang dalawa niyang anak na lalaki at manugang.

Bandang alas-12 ng tanghali nang makasagupa ng  tropa ng Army’s 27th Infantry Battalion at Army’s 33rdInfantry Battalion (IB) ang grupo ng mga terorista sa kanilang pinagkukutaan kamakalawa sa Sitio Datal Bonglangon, Brgy. Ned , Lake Sebu na nasa pagitan ng hangganan ng South Cotabato at Sultan Kudarat.

Kabilang sa nakasagupa ng militar ang grupo ni Ka Yoyo Braganza ng Platoon Arabo na sinasabing kasamahan ni Datu Victor, isang lider ng tribo.

Dalawang grupo ng NPA ang nakasagupa ng mga sundalo sa lugar.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil sa tensyon nagsilikas ang nasa 100 residente patungo sa ligtas na lugar.

Ang bakbakan ay nagresulta sa pagkakakubkob ng militar sa malaking kampo ng NPA at pagkakasamsam ng mga armas na kinabibilangan ng tatlong shotgun, isang Ingram, isang carbine at mga subersibong dokumento.

 Samantala, bandang alas-3 ng hapon nitong  Lunes, ayon kay Cabunoc nang magsisuko ang 10 pang NPA terrorists ng Platoon Arabo ng Guerilla Front 73, may isang kilometro mula sa pinangyarihan ng bakbakan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: