PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 dalagita tumakas sa pamilya gumimik, na gang-rape

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagtakas sa kanilang mga magulang para gumimik , napariwara ang dalawang 14- anyos na dalagita makaraang   ma-gang rape ng anim na hindi nakilalang mga kalalakihan na humarang sa mga ito sa Brgy. Pasobolong, Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Lumuluhang dumulog sa pulisya ang dalawang biktima na itinago sa pangalang Donna at Elena .

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, sina Elena at Donna ay may tatlong araw ng napaulat na nawawala matapos ang mga itong hindi magpaalam at tumakas sa kanilang pamilya noong Nobyembre 20 kung saan inireport ang mga ito sa pulisya na nawawala ng kanilang pamilya.

Gayunman, nakapag-text ang mga ito kamakalawa at dito na nabatid na na-gang rape ang dalawa bunsod upang dumulog na kamakalawa sa pulisya ang kanilang mga magulang.

Sa isinagawang imbestigasyon, gumimik ng mga biktima matapos ang mga itong tumakas sa kanilang mga magulang kung saan nagtungo ang mga ito sa bahay ng isa nilang kaibigan.

Gayunman, habang pauwi na umano ay hinarang sila ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan at dinala sa isang bodega sa Brgy. Pasobolong kung saan sila halinhinang hinalay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil dito ay dumulog sa pulisya ang mga magulang ng mga  biktima at natunton ang kinaroroonan ng dalawang dalagita  sa Brgy. Pasobolong ng lungsod  habang pasakay sa isang pampasaherong jeepney.

Nabatid na  pinawalan ng mga suspek  ang mga biktima sa Buenagatas Bypass Road at inatasan ang mga itong sumakay sa motorsiklo noong Nobyembre 22 kung saan nagawa ng mga itong tumakas . Ang mga biktima ay agad namang dinala sa Zamboanga City Medical Center para maisailalim sa medikasyon. 

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga awtoridad laban sa mga nagsitakas na suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: