^

Probinsiya

3 magkakapatid pinadlock, patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng tatlong  paslit na magkaka­patid makaraang  makulong ng apoy sa loob ng naka-padlock nilang tahanan sa Bacolod City, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang mga nasa­wing magkakapatid na sina  Arthur Diloy, 4 ; Ajericho Diloy Jr., 3 at Mary Auxencia, 2  . 

Sa report ni Fire Officer 3 Cornelio Silva, Chief ng Bureau of Fire Protection (BFP) dakong alas-5 ng hapon nitong Huwebes nang tupukin ng apoy ang tahanan ng pamilya Diloy sa Brgy Felisa, Bacolod City.

Ayon sa imbestigasyon, ipinadlock ng kanilang ama na si Ajericho Diloy Sr., ang pintuan ng kanilang tahanan para umano sa seguridad ng kaniyang mga anak dahilan nagtratrabaho ito bilang tanod sa kanilang lugar.

Kasalukuyan namang nasa eskuwelahan pa ang  nakatatandang kapatid ng mga biktima habang ang kanilang ina ay nagtratrabaho bilang OFW sa Saudi Arabia.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na sa tuwing umaalis ng bahay ang nasabing padre de pamilya ay ipina-padlock nito ang kanilang tahanan  upang hindi makalabas ang kaniyang  maliit na mga anak.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa buong kabahayan na gawa lamang sa light materials.

Samantalang nabigo naman ang mga kapitbahay ng pamilya Diloy na masagip ang buhay ng mga bata dahilan sa nakapadlock ang rehas na bakal sa pintuan ng kanilang tananan.

Pinaniniwalaan namang faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with