Misis ng pulis sugatan sa ambush
MANILA, Philippines — Sugatang isinugod sa pagamutan ang 27-anyos na misis ng bagitong pulis makaraang tambangan ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Bulaong Village sa Barangay Labangal sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Teresa May, misis ni PO1 John Mark Enoy ng Intelligence Branch ng General Santos City Police Station. Base sa police report na nakaraitng sa Camp Crame, naglalakad pauwi ang mag-asawa mula sa tindahan kung saan bumili ng pang coffee nang biglang ratratin ng tandem. Nakaligtas naman si PO1Enoy pero sa kamalasan ay ang misis nito ang tinamaan sa likurang bahagi ng katawan. Isinugod naman sa Mindanao Medical Center ang biktima kung saan pinaniniwalaang may kinalaman sa sensitibong trabaho ng pulis ang pamamaril.
- Latest