^

Probinsiya

Lady trader dinedo sa karinderya

Pilipino Star Ngayon
Lady trader dinedo sa karinderya

Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang ilang gamit ng lady trader matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Ibayo, bayan ng Marilao, Bulacan. Kuha ni Romeo “Boy” Cruz

BULACAN  , Philippines  —  Napaslang ang 41-anyos na babaeng trader matapos itong ratratin ng  hindi kilalang gunman habang bumibili ng pagkain sa karinderya sa Barangay Ibayo sa bayan ng Marilao, Bulacan noong Miyerkules ng umaga. Walong tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni Ritz Sanchez, may negosyong pagpapautang at residente ng Barangay Saog sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ni PO2 Rodel Alcantara, bumibili ng pagkain sa karinderya ang biktima nang lapitan at pagbabarilin dakong alas-10:35 ng umaga. Narekober ng mga tauhan  ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang anim na basyo ng bala at ng cal. 9mm pistol. Nabatid na may business partner na babae ang biktima na sinasabing hindi naire-remit ang nakolektang perang pautang. Napag-alamang inilagay pa ng biktima sa kanyang Facebook account ang maling gawain ng kasosyong babae saka nagpa-police blotter.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with