^

Probinsiya

Naghamon ng suntukan, tinodas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Kamatayan ang sinapit ng 40-anyos na  senglot matapos itong pagsasaksakin ng lalaking kanyang hinamon nang suntukan sa Barangay Sinibaran sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Naisugod sa Matnog Medicare Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Dadivas Siody ng Barangay Manurabi. Pinaghahanap naman ang suspek na si Honorato “Dagul” Espuelas ng nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-4: 30 ng hapon, nagwawala ang biktimang sinasabing lango sa alak nang makasalubong ang suspek kung saan hinamon ito nang suntukan. Gayunman, walang kibong lumapit ang suspek saka pinagsasaksak ang biktima. Lumalabas sa imbestigasyon na dati nang may alitan ang dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with